19

Jun 20, 2020 @ 19:29

Imbestigador sa pinatay na broadcaster, binantaan

Nakakatanggap ngayon ng banta sa kanilang buhay ang ilang nag-iimbestiga sa pamamaslang kamakailan sa brodkaster sa Dumaguete.

Kabilang sa nakakatanggap ng death threat ang mga miyembro ng National Bureau of Investigation na naka-assign sa kaso ng pananambang sa radio broadcaster na si Cornelio “Rex” Pepino sa Dumaguete noong Mayo 5 sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ayon sa spokesperson ng NBI Dumaguete na si Special Investigator Maria Contessa Lastimoso, may mga nag-surveillance umano sa kaniyang bahay pati sa kaniyang sasakyan. Bukod sa kanya ay iniispatan din umano ang 2 niyang kapwa imbestigador.

Isa umano sa imbestigador ay sinundan ng riding in tandem noong Lunes at tinutukan pa ng baril.

Miyerkoles naman nang makatanggap din sila ng tawag sa kanilang opisina mula sa isang di nagpakilalang tao at winarningan sa paghawak nila ng kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?