172

Dec 27, 2019 @ 8:53
By

‘Imbes paputok ang paingayin, pito ang gamitin’ – BFP, PNP

Muling nagpaalala ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na iwasan na ang paggamit ng paputok sa darating na pagsalubong sa bagong taon.

Ani acting NCRPO chief PBGen. Debold Sinas, awtomatikong ban ang watusi at piccolo kahit saan ito bilhin dahil target nito ang mga bata.

Payo naman ni BFP spokesperson Gernadie Agonos, humanap na lang ng alternatibong mapanggagalingan ng ingay gaya ng kaldero o kaya’y manood ng TV.

Sa halip aniya na paputok ang paingayin, pito na lang ang gamitin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?