117

By

Imbes na papuri, Naomi Osaka inulan ng ‘boos’ sa US Open finals

Sharing is caring!

Manining na araw sana para kay Japanese netter Naomi Osaka ang pagtalo sa kanyang idol na si Serena Williams at masilat ang ika-24 Grand Slam title ng huli, ngunit imbes na palakpakan at hangaan ay tila iba ang naging tingin ng mga manonood sa laban.

Ang 20-year-old netter ay napasabak bigla sa kontrobersya, ang sanang malinis na panalo ay nabahiran pa ng kuwestiyon matapos magpataw ng paldong violation si umpire Carlos Ramos sa kanyang katunggali na si Williams.

Ang ending, panalo si Osaka, 6-2, 6-4, at naging pinakaunang Haponesa na nanalo ng nasabing kampeonato.

Sa awarding ceremony, patuloy pa rin ang ‘boos’ mula sa crowd, hindi napigilan ng dalaga na maluha dahil sa pangyayari na humingi pa ng tawad gayong wala namang nagawang masama.

Dito na nagsimulang lumapit si Serena, binigkis si Osaka, at pinatahimik ang mga fan.

“She played well and this is her first Grand Slam,” saad ni Williams sa crowd. “Let’s make this the best moment we can, we’ll get through it. Let’s give everyone credit where credit’s due. Let’s not boo anymore. We’re going to get through this. Let’s stay positive. Congratulations, Naomi. No more booing!” sermon ni Williams sa mga fan.

Pinuri rin ni Williams ang nakababatang tennis player at bilib sa ipinakitang determinasyon at tapang sa kabila ng insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?