866

Dec 25, 2019 @ 13:47
By

Imbes na malutong: Netizen nagulantang sa pinalit na lumang pera sa bangko

Binahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan nang magpapalit ng pera na ibibigay sa kanyang mga inaanak.

Ayon sa Facebook post ni Aby Ola, hindi niya kinaya ang nakitang malambot na at lumang tig-20 at 50 pesos bill na ayon pa sa netizen ay tila pa-dispose na.

“Shoutout naman sa PNB [Philippine National Bank] sana nagsabi kayo na for disposal pala yung ibibigay nyo samin divah mejo nagulat kami ha mejo lang naman,” saad sa post.

May ilang bumatikos dito na sana daw ay sinabi ng netizen na bagong bill ang nais niyang matanggap, na kaagad naman nitong binuweltahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?