1,128

Jan 6, 2022 @ 19:40
By

Imbes magluksa: Jo Berry pinili mag-taping matapos tatlong beses mamatayan

Mas pinili na lang daw ng aktres na si Jo Berry ang mag-taping matapos itong mamatayan nang tatlong beses.

Noong Oktubre 2021, sunod-sunod ang pagkamatay ng kaniyang lolo, ama at kapatid.

“The whole time po kasi bago ako pumasok ng lock-in taping, may mabigat akong pinagdaraanan,” ani Jo Bery sa virtual media conference ng “Little Princess” nitong Miyerkoles.

“So, nu’ng nandoon ako, si Princess ang naging takas ko for awhile. Alam ko na kailangan ko muna siyang gampanan. And, at the same time, yung mga hugot ko nu’ng time na yun, nagamit ko kay Princess,” salaysay ng aktres.

Aniya, ang kaniyang karakter ang naging purpose niya upang ipagpatuloy ang taping at ang kaniyang buhay.

“So, kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangan nating kayanin kasi nandito pa tayo sa mundong ito. And yun lang naman ang purpose natin. Si Princess po yung naging purpose ko para ipagpatuloy pa muna,” paliwanag nito.

“Hindi ako nabigyan ng chance na mag-pause for awhile dahil sa mga nangyari kasi nakita ko na kailangan kong maging si Princess. Pinalakas niya po yung loob ko,” dagdag pa nito.

Ipapalabas na ang “Little Princess” sa GMA Network sa Enero 10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?