147

Jan 7, 2022 @ 22:10
By

Imbes bouquet, bride inihagis sa ere

Viral ang isang bride at kanyang maid of honor dahil imbes na bouquet, silang dalawa ang inihagis sa ere sa kakaibang wedding reception na ginanap sa Quezon City.

Nangyari ang kasal nina Nesza Isabel Asuncion at Patrick Asuncion noong nakaraang December.

Mga dati raw miyembro ng University of the Philippines Pep Squad ang bride na si Nesza, groom na si Patrick at maid of honor niyang si Noelyn Figueroa.

Kahit naka-gown at dress ay nag-cheerdance ang mga ito sa reception kasama ang kanilang entourage na mga member din ng pep squad.

Kasama ring nakihagis sa ere ang groom na si Patrick. Patunay na hanggang kasal ay hindi nawala ang dugong cheerleader ng mga ito.

“It was a blast! This is how former cheerleaders celebrate a wedding! Congratulations Pat & Nes, full set soon,” caption ng Digital Surf sa Facebook post na mayroon nang 2.8K reactions at 2K shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?