59
bigas1
By

Imbak ng bigas, bumaba – PSA

Sa kabila ng agresibong pag-angkat na ginagawa ng gobyerno, bumaba pa noong nakaraang buwan ang naka-imbak na bigas sa bansa base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Noong Disyembre 1, ang imbentaryo sa bigas sa bansa ay umabot ng 2.718 milyong metriko tonelada na mas mababa ng 4.5 porsiyento sa naitalang 2.849 milyon noong 2017.

Sa mga naimbentaryong bigas, 56.18 porsiyento ang mga nasa kabahayan, 40.07 sa mga bodega at ang natitira na higit tatlong porsiyento ay nasa kustodiya ng National Food Authority.

Ayon pa sa PSA, bumaba ang stock ng bigas mula sa kabahayan hanggang sa NFA kung ikukumpara sa kabuuan ng 2017.

Noong nakaraang linggo, inanunsiyo ng Department of Agriculture na bumaba ng 900,000 metriko tonelada ang produksyon ng bigas sa bansa noong nakaraang taon dahil sa mga nagdaang kalamidad.

Regular ang ginagawang monitoring ng PSA sa suplay ng bigas sa bansa para malaman kung kailangang mag-angkat upang hindi maapektuhan ang nakaimbak na pambansang butil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?