47

By

Imam itinumba sa Baguio

Sharing is caring!

Isang prominenteng worship leader ang pinatay ng nag-iisang gunman sa loob ng palengke sa Kayang Street, Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat, alas-11:30 ng umaga nang barilin ng dalawang beses sa ulo at tatlong beses sa katawan ang biktimang si Bedijim Abdullah, na nagsisilbi bilang Muslim cleric sa Philippine Military Academy.

Nangangaral din ito sa Discover Islam Baguio, na isang religious school.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }