283

Dec 23, 2019 @ 19:10
By

I’m so in love with you! Ogie sinorpresa si Regine sa wedding anniversary

Sa kanilang 9th wedding anniversary, hinandugan ni Ogie Alcasid ang misis na si Regine Velasquez ng surprise party na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

December 22 nagdiwang sina Ogie at Regine ng kanilang wedding anniversary.

Sa kanyang Instagram account nitong Dec. 23, dinala ni Ogie si Regine sa isang furniture store.

Dito pala niya isinagawa ang sorpresang anniversary party para kay Regine.

Nagulat si Regine dahil nandoon na ang kanilang mga kaibigan at kaanak.

View this post on Instagram

#thesurprise

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

“9 years ago, i was blessed to start this beautiful journey with you my love. Salamat mahal for letting me in your life and allowing me to share mine with you. I am so in love with you Regina. Happy Anniversary!!!” mensahe ni Ogie kay Regine.

“Thank you sooooo much love ang saya saya ko. I love you baba ikaw na talaga,” reply naman ng Asia’s Songbird.

Present sa okasyon ang soon-to-be husband and wife na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli maging sina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla at Iza Calzado.

View this post on Instagram

#thesurprise

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?