37

Jun 13, 2020 @ 16:16

I’m positive! Residente kinalma ng Lapu-lapu mayor

Kasabay ng kanyang pag-amin na positibo ito sa coronavirus disease, kinalma ni Lapu-Lapu City Mayor Junard ‘Ahong’ Chan ang kanyang mga constituents na huwag mag-alala sa kanyang kalagayan dahil makakarekober naman agad aniya ito.

Nauna rito’y mismong ang alkalde ang nagkumpirma na COVID-positive ito makaraang lumabas ang resulta ng kanyang test.

“I’m positive on COVID-19, I don’t want to get this virus but it doesn’t choose and we don’t add it because the opponent can’t be seen. However, I’m motivated that my recovery is fast,” saad ng punungbayan.

Ayon sa alkalde nagpa-test siya noong Miyerkoles matapos makaranas ng lagnat. Kasabay nito ay binahagi niya sa kanyang facebook ang resulta ng kanyang swab test noong gabi ng June 11.

Samantala, nanatili namang negatibo sa virus ang mga kasamahan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?