5

Sep 27, 2020 @ 14:21
By

Iloilo sa IATF: Gawin kaming GCQ

Aapela ang Iloilo City sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na luwagan ang kanilang quarantine status.

Hihilingin ng lokal na gobyerno na ilagay sila sa general community quarantine (GCQ) simula bukas, Setyembre 28.

Ipadadala umano ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang request letter sa IATF ngayong weekend. Nakipag-usap na umano ang alkalde kina IATF chair Defense Secretary Delfin Lorenzana at Interior Undersecretary Epimaco Densing III hinggil sa nasabing hilling.

Napagdesisyunan anila ito matapos makipagpulong ang Iloilo LGU sa City COVID team at sa business community, kung saan nabanggit na walang bagong kasong naitala sa ilang bayan doon na sinailalim sa lockdown.

Una nang sinabi ng Palasyo na sinailalim ng IATF ang Iloilo City sa medyo mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 9 dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?