24

Jan 5, 2022 @ 16:08
By

Iloilo napasok ng Omicron variant

Kinumpirma ng Iloilo City government na nagtala sila ng unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Sa Facebook post, sinabi ni Mayor Jerry Treñas na isang 46-anyos na lalaking seafarer ang pasyente, na mula sa Arevalo District.

Nanggaling ang pasyente sa Kenya at dumating sa Cebu City noong Disyembre 16 sakay ng eroplano.

Umalis siya sa Kenya noong Disyembre 12, kung saan siya nag-quarantine ng tatlong araw.

Nag-negative siya sa swab test noong Disyembre 14 bago dumating sa Cebu.

Negative rin ang resulta ng RT-PCR test niya sa Cebu noong Disyembre 19.

Dumating naman siya sa Iloilo noong Disyembre 24 at nag-home quarantine ngunit nagpositibo noong Disyembre 27.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?