63

Oct 16, 2017 @ 17:18

Iloilo International Airport, binuksan na!

Binawi na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inilabas nilang notice to airmen o NOTAM dakong alas-dos ng hapon at kasunod nito ang muling pagbubukas ng Iloilo International Airport.

Bunga nito, natuloy na bagama’t delayed ang 20 na biyahe ng Cebu Pacific sa naturang paliparan.

Gayundin ang anim pang biyahe na naka-schedule kagabi. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?