115

Mar 24, 2020 @ 15:44
By

‘Iloilo hiwalay na ‘bansa’ sa ‘Pinas’

Hiwalay umanong “bansa” ang Iloilo City sa buong Pilipinas, ayon sa ilang netizen.

Mabilis kasi anila ang pagresponde ng pamunuan ng “The City of Love” sa kinahaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nag-uumapaw din anila ang mga donasyon mula sa mayayamang pamilya at negosyanteng kaibigan ni Iloilo Mayor Jerry Treñas.

Kaya naman, sabi ng madla, mas maraming nagawa ang alkalde–na tinawag pang “It Girl” ng Iloilo–at pamunuan ng siyudad kumpara sa pambansang gobyerno.

‘Di na rin anila kinailangan ng emergency powers ni Treñas para kumilos, kumpara sa hinihiling ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang krisis ng naturang pandemya sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?