6

Aug 6, 2020 @ 14:54
By

Iloilo ‘di muna tatanggap ng sweeper flight, trip

Nagdesisyon ang pamunuan sa Iloilo City na hindi muna nila pahihintulutan ang mga sweeper flight at trip para umano makapagpahinga ang kanilang mga tauhan.

Tatagal nang dalawang linggo ang palisiya.

“We stopped all sweeper flights and trips during the 2-week period so that our personnel will also be able to rest. I repeat: we will not accept sweeper flights and trips for two weeks,” sabi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa Facebook ngayong Huwebes, Agosto 6.

“Cases are going up during this period and I want our personnel to focus on the problem,” aniya pa.

Para naman sa lahat ng mga flight at trip doon matapos ang 2-linggong period, sweeper man o regular, dapat makipag-ugnayan sa tanggapan ng alkalde.

“If the flights or trips are not coordinated, then they can always go back to their ports or airports of origin,” aniya.

“There is no sweeper flight or trip coordinated with me up to now – warning is hereby given for anyone to return to your port of origin. I will not allow you to disembark,” babala pa ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?