17

Jan 10, 2021 @ 19:09
By

Iloilo City ready na mamakyaw bakuna sa AstraZeneca; pinirmahan na kasunduan

Lumagda na ang lokal na pamahalaan ng Iloilo sa kanilang agreement sa AstaZeneca para pumakyaw ng bakuna kontra Covid-19.

Saad ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. sa isang panayam, nagpirmahan na ang Department of Health, Inter-Agency Task Force, at British-Swedish multinational pharmaceutical at biopharmaceutical company na AstraZeneca.

Aniya, mayroong P95 milyon na nakalaang pondo ang naturang lungsod para makabili ng 271,000 mga dose ng bakuna.

Dagdag pa nila, handa na rin ang old storage facility sa kanilang lugar at mga ospital.

Marami ng lungsod sa bansa, tulad ng Antipolo, Pasig at Bacolod, ang nakahanda ang pondo sa pagpakyaw ng bakuna laban Covid-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?