18

Nov 12, 2020 @ 14:47

Ilog Pasig umapaw; PSG compound inabot ng baha

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakaligtas sa hagupit ng Bagyong Ulysses matapos abutin ng tubig-baha ang Presidential Security Group (PSG) compound kung saan malapit ang kanyang official residence.

Sa mga kuhang larawan ni Senador Bong Go, mataas ang tubig sa Ilog Pasig at may bahagi ng PSG compund na inabot ng tubig dahil sa magdamag na ulang ibinuhos ng bagyong Ulysses.

Sinabi ng senador na umapaw ang tubig sa likod ng official residence ng Pangulo.

Kasalukuyang dumadalo ang Presidente sa ASEAN meeting at nakatakdang magsalita sa publiko mamayang ala-una ng hapon.

Sa kabila ng pagiging abala sa ASEAN ay nakamonitor din aniya ang Presidente sa epektong idinulot ng bagyo sa bansa.

“Nakamonitor po ang Pangulo 24/7 sa epekto ng bagyo. Inuuna namin muna ang rescue sa mga kababayan natjn diyan sa Marikina City, San Mateo at Rizal na na-trap sa kanilang mga bubong,” ayon pa sa mambabatas na dating aide ni Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?