16

Jun 10, 2021 @ 15:15
By

Ilog Pasig top plastic polluter sa buong mundo

Kasama ang Ilog Pasig sa top 50 na pinakamaruming ilog sa buong mundo, ayon sa pag-aaral ng Netherlands environmental organization, Ocean Cleanup.

Sa naturang pag-aaral, nakita na ang Pasig River, kasama pa ang 18 ilog sa Pilipinas, ay pasok sa world top polluting river.

Abot umano sa 80 percent ng plastic pollution sa mga karagatan ay nanggaling sa mga ilog ng Pilipinas.

Sa 1,656 ilog sa bansa na pinag-aralan ng Ocean Cleanup, 466 ang nagmula sa Pilipinas.

Ayon pa sa organisasyon, 63,000 ton ng plastik sa karagatan ay nanggaling umano sa Pasig River kada taon.

Bukod sa Ilog Pasig, kasama din sa listahan ay ang Tullahan River, Meycauayan River, Pampanga River, Libmanan River, Rio Grande de Mindanao River, Agno River, Agusan River, Paranaque River, Iloilo River, Imus River, Zapote River, Cagayan de Oro River, Davao River, Malaking Tubig River, Tambo, Pasay, Jalaur River, Cagayan River at Hamulauon River.

Isa sa mga tumututok sa paglilinis ng Ilog Pasig ay ang San Miguel Corp, kung saan inanunsyo ni SMC CEO Ramon Ang na naglaan sila ng P2B para sa rehabilitation project ng naturang ilog.

“We hope that with the resources and technical know-how that we are bringing into the effort today – along with the continued support of our national government agencies and local government units – we can all make a bigger difference,” ayon kay Ang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?