19

Jun 22, 2020 @ 18:09
By

Ilocos Sur niyanig ng magnitude 5.0 lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Candon City, Ilocos Sur ngayong alas-kuwateo ng hapon kung saan inaasahan ang mga aftershock.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang intensity IV sa Candon City, Ilocos Sur; Intensity III sa Vigan City, Sinait, Santa at Magsingal, Sta. Lucia, Santa Maria, Sta. Cruz, San Esteban, Ilocos Sur; San Fernando City, La Union.

Habang intensity II sa Cabugao, San Juan, Bantay, San Ildefonso, Narvacan, Nagbukel, Tagudin, Burgos, Santiago, Sigay, Suyo, Ilocos Sur, Banna, Bacarra, Laoag City, at Batac Ilocos Norte

Bandang alas-5:34 ng hapon ay naramdaman rin ang magnitude 3.1 sa Nasugbu, Batangas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?