47

Oct 12, 2021 @ 19:26
By

Ilocos Sur nilubog ni ‘Maring’

Nilubog sa baha ng Severe Tropical Storm Maring ang lalawigan ng Ilocos Sur.

Nitong Martes, nag-trending ang hashtag na #IlocosNeedsHelp matapos ma-stranded ang mga residente sa bubungan ng kanilang bahay.

Ayon kay Mark Masudog, ng Office of the Civil Defense sa Ilocos, nagpapatuloy ang rescue operations sa mga bayan ng Sta. Lucia, Sta. Cruz, Sta. Maria, Santiago, Narvacan at siyudad ng Candon.

Hindi pa batid ang bilang ng mga na-trap na residente.

Nanawagan naman ang mga netizen na huwag iwanan ang mga alagang hayop at maging responsableng pet owner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?