12,403

By

Ilocos Sur mayor, idinawit sa double murder case

Nasa hot seat ngayon ang isang alkalde sa lalawigan ng Ilocos Sur matapos itong akusahan ng umano’y nasa likod ng pagpaslang sa dalawang katao noong 2013.

Tuluyan nang gumulong ang hustisya para sa mga pamilya nina Honorata Sumibcay at Jimmy Boy Galasino, pitong taon matapos ang walang awang pagpatay sa kanila sa loob ng Cabugao Public Market, matapos sumalang ang pinaka-unang saksi ng prosekusyon sapul nang mangyari ang nasabing krimen.

Positibong kinilala ni Dindomar Sumibcay, anak ni Honorata, sa harap ng korte sina Sonny Quibilan at Jofel Reton bilang mga pangunahing salarin matapos pagbabarilin ang mga biktima noong Pebrero 11, 2013.

Sa nasabi ring pagdinig ay tahasang pinangalanan ng nakababatang Sumibcay si Cabugao, Ilocos Sur Mayor Edgardo Cobangbang, Jr. bilang mastermind sa pagpatay sa kanyang ina at kay Galasino.

Giit ni Dindomar sa korte, sila Quibilan at Reton ay kilalang mga “hitmen” ni Cobangbang sa kanilang bayan.

Tanging si Quibilan ang nililitis ngayon dahil nakabinbin pa rin hanggang ngayon sa Department of Justice ang resolusyon sa kaso nila Reton at Cobangbang.

Ipinag-utos kamakailan ng Korte Suprema ang paglipat ng paglilitis sa kaso ni Quibilan mula Regional Trial Court of Cabugao, Ilocos Sur Branch 28 papuntang Regional Trial Court ng San Fernando, La Union, Branch 28 sa ilalim ni Presiding Judge Nyerson Dexter Tualla.

Samantala, inilipat din ng Kataas-taasang Hukuman ang paglipat ng paglilitis ng kaso ni Cobangbang dahil posibilidad na gumawa ito ng eksena upang hindi matuloy ang paglilitis nina ni Reton at Quibilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?