261

Mar 13, 2020 @ 11:54
By

Ilocos Sur handa sa lockdown – governor

Hindi magdadalawang-isip ang provincial government ng Ilocos Sur na isailalim sa lockdown ang buong lalawigan kung sakali mang lumala ang outbreak sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang sinabi ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson sa isinagawang emergency meeting hinggil sa COVID-19.

Ayon kay Singson, ang nasabing hakbang ay upang maiwasang mahawa sa nasabing pandemic ang mga residente sa probinsya.

Nauna rito, pinag-utos ng gobernador ang mahigpit na quarantine procedures sa mga taga-Ilocos Sur na uuwi sa lalawigan galing sa mga bansang apektado ng COVID-19, sa pamamagitan ng pagmonitor sa kanila ng mga barangay official at barangay health worker.

Sa ngayon, Marso 13, mayroon nang dalawang person under investigation (PUI) sa nasabing lalawigan at mayroon na ring ilang bayan na nakapagtala ng person under monitoring, ngunit wala pang nagpopositibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?