25

Sep 7, 2021 @ 15:53
By

Ilocos Norte muling hinigpitan

Inilagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Ilocos Norte mula September 7 hanggang September 30, 2021.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque batay sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa tumataas na kaso ng COVID case sa lalawigan.

Naunang inilagay sa general community quarantine with heightened restrictions ang Ilocos Norte subalit hinigpitan ito dahil sa COVID-19 situation.

“Ang Ilocos Norte ay nasa MECQ mula September 7-30, ang naunang classification po ng Ilocos Norte ay GCQ with heightened restrictions,” ani Roque.

Kaugnay naman sa isyu ng granular lockdown, sinabi ni Roque na pinaplantsa pa ng IATF ang guidelines at nangakong iaanunsiyo kaagad kapag mayroon nang napagkasunduan kung paano ipatupad ito sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?