6

Oct 16, 2020 @ 16:35
By

Ilocos Norte bukas na sa mga bisita sa GCQ, MGCQ area

Maaari nang bumisita ang mga turista sa Ilocos Norte.

Ayon sa ulat, ang mga turistang mula sa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) area sa Luzon ang puwede sa Ilocos Norte.

Kailangang dumaan sa COVID-19 test ang mga bisita at makipag-ugnayan sa mga travel operator na akreditado ng Department of Tourism.

Dapat ding magrehistro ang mga bisita sa SafePass website para sa contact tracing.

50 slot lang ang available kada araw para sa gustong magtungo sa Ilocos Norte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?