89

Aug 2, 2019 @ 16:35

Illegal vendors na winalis sa Baclaran, tatayuan ng bagong palengke

Magtatayo ng palengke ang pamahalaang lungsod ng Parañaque upang magkaroong ng permanenteng puwesto ang mga naialis mula sa mga bangketa sa isinagawang clearing operation nitong linggo.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nasa 2,000 illegal vendors ang naialis na sa mga bangketa sa nasabing lungsod.

Aniya, aprubado na ng Metro Manila Council ang plano para sa “people’s market” na itatayo sa “cement slab” na ipapatong sa ibabaw ng kanal na may sukat na 60×300 metro sa Roxas Boulevard.

Sinabi pa ni Olivarez, maglalagay din ng loading and unloading zone, overhead pedestrian crossing at parking lot sa palengke at target ng pamahalaan ngayong taon.

Habang wala pa ang proyekto, sinabi ni Olivarez na pinakiusapan na niya ang mga commercial establishment sa kaniyang lungsod na maglaan ng espasyo para sa mga street vendor.

Nakahanap na aniya ng 1,000 puwesto ang pamahalaan at target nilang makumpleto ito ngayong linggo.

Mahigpit ding hinabilin ng alkalde sa mga opisyal ng barangay at sa mga kapulisan na pigilan ang pagbabalik ng illegal vendor sa area ng Baclaran. (armida rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?