matteo-sarah
By

‘I’ll always be beside you. I love you, my love’ — Matteo

Sharing is caring!

Umayuda agad si Matteo Guidicelli sa girlfriend na si Sarah Geronimo matapos sumabog ang balitang nag-break down siya sa stage habang kasagsagan ng Las Vegas leg concert niya nitong nakaraang weekend.

Wala sa concert si Matt kaya naman through his Instagram, inilabas niya ang litrato nila ni SG na magkasama habang naglalakad sa beach.

“Keep walking. I’ll always be beside you. No matter what, I love you my love. And I miss you,” saad ni Matteo.

Maraming na-shock sa pangyayaring ‘yon dahil kapag nasa concert stage, ang magbigay ng bonggang performance ang gusto nilang pinanonood kay Sarah. Sa loob ng 15 years niya sa showbiz, empty pa rin pala ang nararamdaman sa sarili.

Sa totoo lang, kinaiinggitan ng maraming artista ang es­tado niya dahil bukod sa laging sold out na concerts, megahit ang bawat album na ilabas, nagawa niyang maging box-office star at inaabangan din ang bawat TV appearance niya.

Tapos, nandiyan pa ang very supportive niyang BF na handa siyang ipaglaban, kumpara sa naging boyfriend niya na tameme sa mahigpit na magulang.

Hindi naman masisisi ang parents niya kung hanggang ngayon ay maging over-protective sa kanya. Kung wala ang kanyang mga magulang, wala ring Sarah Geronimo sa showbiz.

Huwag ding sisihin ang Viva kung tambakan man siya ng trabaho. May mga panahon din namang binibigyan siya ng pahinga sa trabaho. May mga oras din naman silang nagkakasama ni Matteo unlike sa nakaraan niyang relasyon na kailangan pa niyang tumakas sa paningin ng mga magulang.

Gusto na ba niyang kumawala sa kasikatan niya ngayon? Feel na ba niyang mag-asawa at magkaroon ng pamilya? Handa na ba siyang matulad sa ibang sikat na artistang nang mag-asawa ay lumamlam na ang career?

Maraming dapat isakripisyo si Sarah kung gusto na niyang mag-asawa. Kapag nawala siya sa limelight kahit isa o dalawang taon lang, maraming abangers na artistang gustong humalili sa trono niya, huh!

Eh kung handang ipagpalit ni Sarah ang lahat ng ito para makompleto ang buhay niya, go ahead, gurl! Maging handa lang siya sa lahat ng consequences ng desisyong gagawin gaya ng previous contracts na napirmahan niya, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?