58

Apr 6, 2020 @ 23:44
By

Iligal na yosi factory sa Clark ecozone kinandado ng BIR

Sinara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang warehouse, na iligal na nagma-manufacture ng tobacco product, sa loob ng Clark Special Economic Zone sa Pampanga.

Nakuha rito ang 1.65 milyong pakete ng sigarilyo na nakalaan diumano na dalhin sa Malaysia.

Sa ulat kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ng BIR na ang warehouse ng GB-BEM Cigarette Co. Inc. na nago-operate bilang cigarette factory ay sinara na noong Pebrero 5 dahil sa kabiguang makakuha ng permit to operate.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, may kabuuang 1,656,888 pack ng sigarilyo ang nakuha sa warehouse ng kompanya. Wala umanong nakalagay na marking dito na nagsasabing gawa ito sa Pilipinas at para sa export.

Inatasan na ni Domingues ang BIR at Bureau of Customs (BOC) na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Malaysia para rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?