33

Oct 16, 2017 @ 17:16

Iligal na yaman ng mga empleyado ng BOC at BIR, kumpiskahin

Suportado ng mga senador ang pagsasagawa ng lifestyle check sa mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Senadora Grace Poe, ang lifestyle check ang pinakamadaling paraan upang madiin ang mga tiwaling empleyado ng pamahalaan.

“This is a sure-fire way of forfeiting the money these people have siphoned, stem corruption at the agencies they work, and ensure that revenue collected by these agencies go to government coffers,” saad ni Poe.

Binigyang-diin naman ni Senador Sonny Angara na Konstitusyon na rin mismo ang naggiit na ang mga public servant ang dapat manguna sa simpleng pamumuhay.

Ipinaalala naman ni Senador Sherwin Gatchalian na sadyang malapit ang tukso sa mga empleyado ng revenue collecting agencies kaya dapat lamang mabantayan ang transparency sa kanilang personal finances.

Payo naman ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero, makatutulong sa anti-corruption drive ng pamahalaan ang regular na lifestyle checks sa mga opisyal ng BOC at BIR. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?