42

Mar 5, 2020 @ 16:33
By

Iligal na POGO, abot na sa 100 – Pagcor

Mahigit sa 100 ang iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa na karamihan ay nag-o-operate sa mga pangunahing subdivision sa bansa, ayon sa Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor).

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa pagpasok ng ‘dirty money’ sa bansa, inihayag ni Atty. Victor Padilla, Senior Manager, Offshore Gaming Licensing Department ng Pagcor na may 240 POGO site sa bansa.

Sa naturang bilang, 100 umano dito ay iligal at nag-o-operate sa mga subdivision sa Metro Manila at mga pangunahing lungsod sa bansa.

“At least 100. These are illegal operations, they are the one inside the residential areas,” pahayag ni Padilla matapos gisahin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Dahil sa dami ng POGO site sa bansa, tinanong ni Drilon kung nagagawa bang natutukan ba ng Pagcor ang lahat ng ito.

“How do you supervise these?” tanong ni Drilon kay Padilla na sumagot naman: “We have random inspections”.

Suhestiyon pa ni Drilon, halos 50 porsiyento ng POGO ay iligal na nag-o-operate, mas mabuting aniyang ipasara na lahat ang mga ito dahil sa perwisyong dulo’t nito sa bansa.

“This is alarming to say the least. Kaya mabuti nang isara na lang naitn ito kasi we can’t supervise because internet nga,” sambit pa ni Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?