3

May 13, 2021 @ 11:57

Iligal na COVID test kit buking, 3 arestado

Pinosasan ang tatlong indibiduwal matapos na mahuli ang mga ito sa iligal na pagbebenta ng mga COVID-19 rapid test kit.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar base sa report ng Criminal Investigation and Detection Group, kinilala ang mga suspek na sina Ace Dimaplis, Charisse Purino at Aldrin Bacaran.

Naaresto ang mga ito sa kinasang entrapment operation sa Brgy. Don Bosco sa Parañaque City.

Umorder ang isang poseur buyer ng 250 kahon ng Wondfo rapid test kit na nagkakahalaga ng P1.2M, dahilan para maaresto ang mga suspek.

Nakuha din mula sa tatlong suspek ang P4M halaga ng hindi awtorisadong test kit, kasama pa ang ilang armas.

Bigo ang mga suspek na magpakita ng lisensya para sa pagbebenta nila ng mga test kit.

 “Further investigation reveals that the arrested suspects were sub-leaders of Chinese online groups who were involved in illegal online selling of unauthorized Covid-19 rapid test kits,” saad pa ni Eleazar.

Kakasuhan ang tatlo sa paglabag sa Republic Act RA 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 na may kinalaman sa FDA Circular No. 2020-016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?