22

Sep 13, 2021 @ 16:38
By

Iligal na baril talamak online

Pinasisiyasat ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar sa Anti-Cybercrime Group ang umano’y paggamit ng mga sindikato sa mga online platform para makapagbenta ng mga loose firearm.

Ito ay matapos libo-libong parte ng baril at bala ang nadiskubre sa isang bodega sa Bulacan.

Dagdag niya, binubuo ang mga baril at ibebenta sana sa mga pribadong armed group.

Bahagi aniya ito ng maaga nilang paghahanda para sa seguridad sa 2022 elections.

“We are not discounting the possibility that some gun-running syndicates are using the online platforms for their illegal activities,” ani Eleazar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?