51

Nov 21, 2021 @ 11:08
By

Ilegal na droga nakuha sa QC; retiradong US Air Force timbog

Nadakip ang retiradong miyembro ng US Air Force sa isinagawang raid sa isang hinihinalang drug laboratory sa Quezon City nitong Sabado.

Nagsagawa ng operasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) bitbit ang search warrant, ayon sa ulat ng 24 Oras.

Kinilala naman ang retiradong US Air Force na suspek na si Ramon Loarca.

Na-rekober ang ilang uri ng ilegal na droga kagaya ng shabu, ecstasy, cocaine, liquid marijuana, at kush.

Nakuha rin sa suspek ang ilang mga baril at bala.

Kasalukuyang tinitingnan ng NBI ang pinagmumulan ng iligal na droga ng suspek at ang mga customer nito. (Sherrylou Nemis)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?