50

Jun 20, 2021 @ 22:06
By

Ilegal na bike race, nauwi sa disgrasya

Isang cycling race ang inorganisa sa Olongapo City nitong Sabado kung saan ilan sa mga kalahok ang sugatan nang maaksidente.

Ayon sa ulat, tinangka ng ilang siklista na unahan ang isang truck nang may ilan sa kanila na sumemplang at ang iba ay nahulog sa malalim na parte ng kalsada.

Hindi pa natutukoy ang eksaktong bilang ng mga sugatan, bagamat naiulat na isa sa kanila ay isang 14-anyos na babae.

Bukod sa masakit na sinapit ng ilang mga kalahok, ilegal din daw ang karera at hindi rin sumunod sa mga health protocol.

Kaya naman pinasara muna ang San Bernardino Road sa Subic Bay Freeport Zone na siyang pinagdausan ng karera. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari at kung paano natuloy ang karera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?