21

Oct 31, 2020 @ 22:50
By

Ildefonso, Oftana handa na sa Gilas bubble training

SABIK nang sumalang sa bubble training ng Gilas Pilipinas ang mga collegiate standout na sina Dave Ildefonso at Calvin Oftana.

Matunog na kabilang ang dalawa sa bubuuing Gilas pool na sasabak sa November window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Bahrain.

Nagbabalik sa Ateneo ang 21-anyos na scoring guard na si Dave matapos ang dalawang taon sa NU Bulldogs, habang pambato ng San Beda ang 24 taong gulang na NCAA Season 95 MVP na si Oftana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?