172

By

Ildefonso brothers sasakmal para sa NU Bulldogs

Sharing is caring!

Papangunahan nina Dave at Shaun Ildefonso ang National University Bulldogs sa kanilang pagtatangkang makabalik sa Final Four.

Huling nakasungkit ng playoffs spot ang Bulldogs noong 2015 (Season 78) at pagkatapos nito ay sumadsad na ang Bulldogs sa ikaanim noong nakaraang season.

Ngayong pangalawang taon na sa pagiging head coach ni Jamike Jarin ay siguradong magiging palaban ang Bulldogs dahil nagsisilbing assistant coach ang ama ng Ildefonso brothers na si Danny.

Kahit nawala sa kanila sina J-Jay Alejandro at Matt Salem, makatutulong naman sa kanila sina Joshua Sinclair, John Lloyd Clemente, ang Gilas cadet na si Troy Rike at Issa Gaye.

Matapos mapalalunan ang kapeonato noong Season 77, hindi na muling nakaangat ang Bulldogs at alam nilang ngayon ang tamang panahon upang makuha muli ang korona.

Unang makahaharap ng Bulldogs ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa Sabado, Setyembre 8, sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?