26
PRRD, dumalo sa virtual meeting ng Aqaba Process
Nov 17, 2021 @ 13:46
By

Ilang tropang solon ni Duterte bumisita sa Palasyo

Nakipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaibigan niyang mambabatas sa Malacañang nitong Martes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles para sa isang informal na salo-salo.

Sinabi ng kalihim na ang mga bumisita sa Palasyo ay mga kaibigan ng Presidente noong ito ay alkalde pa lamang ng Davao City at ngayon lang muli nagkita-kita simula nagkaroon ng pandemic.

“It was an informal and relaxed gathering with lawmakers, many of whom are friends of the President dating back to his days as mayor of Davao City,” ani Nograles.

Ngayong bumababa na ang mga aktibong kaso sa COVID-19, sinabi ng kalihim na aasahang mapapadalas na ang pakikipagkita ni Pangulong Duterte sa mga kaibigan at mga kaalyado.

“With active COVID-19 cases now on a steady decline and now that we are feeling the positive impact of the government’s vaccination, we expect the President to join similar gatherings with friends and allies in the future,” dagdag ni Nograles. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?