155

Dec 3, 2017 @ 12:19
By

Ilang transport groups, hindi lalahok sa tigil-pasada

Hindi makikiisa ang ilang transport group sa dalawang araw na tigil-pasada na pangungunahan ng Piston, matuloy man ito o hindi.

Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Spokesperson Atty. Aileen Lizada sa harap ng ikinasang Transport Holiday ng PISTON bukas araw ng Lunes at sa Martes.

Ayon kay Lizada, umatras na sa paglahol sa transport strike ang ilang Jeepney Operators at Drivers sa Central Luzon at Davao Region na itinuturing na “major groups” na tumututol sa Jeepney Modernazation ng pamahalaan.

Matatandaang una nang inihayag ng Piston na suportado ng “No to Jeepney Phaseout” coalition, Kilusang Mayo Uno, Gabriela at iba pang grupo ang tigil-pasada.

Gayunman, sinabi ng opisyal na maglalagay ng ang LTFRB ng 31 sasakyan ang gobyerno sa iba’t ibang lugar para magbigay ng libreng sakay.

Sakaling mapuno ay papalitan aniya ang mga ito ng 22 pribadong bus.

Hindi inirekomenda ng LTFRB ang pagsususpinde ng klase sa Lunes at Martes, pero nagdeklara na ng walang pasok ang ilang bayan sa central Luzon at Davao Region. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?