236

Oct 20, 2017 @ 20:34

Ilang sundalo na nakipaglaban sa Marawi, nakauwi na

Nakauwi na sa Metro manila ang ilan sa mga sundalong nakipaglaban sa Maute ISIS group sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public affairs office Chief, Marine Col Edgard Arevalo dalawang batallion ng sundalo ang ibabawas sa tropa ng militar sa lungsod ng Marawi.

Kanina dumating na sa Villamor Airbase sa Pasay City ang limang daang sundalo mula Marawi sakay ng C130 airplane.

Ang dalawang batalyong sundalo ay ibabalik na sa kani-kanilang mga unit para makapagpahinga.

Dagdag pa ng opisyal na ang pagbabalik ng mga sundalo mula Marawi ay patunay na tapos na ang gulo sa lungsod at tanging mga natitirang miyembro na lamang ng Maute ISIS group ang target ng operasyon sa lungsod.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?