21

Jun 18, 2021 @ 14:56
By

Ilang siyudad sa NCR lumolobo pa rin COVID

Kailangan pa ring maging maingat ng mga residente sa Metro Manila dahil may ilang lugar pa rin na nagkakaroon ng pagsirit ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, 11 siyudad sa NCR ang nagkaroon ng pagtaas ng average daily attack rate.

Bukod pa rito, tatlong lugar din ang binabantayan dahil sa pagtaas ng utilization rate sa mga intensive care unit (ICU).

“We are seeing an increase in cases in some of the cities like Pasay, Malabon and Parañaque, pero syempre pinag-aaralan. Hindi naman po siya nagiging stable na tuluy-tuloy na pagtaas pero nakakakita po kasi kami ng uptick,” ayon kay Vergeire sa CNN Philippines.

“There are really hospitals in Metro Manila that are nearing that maximum capacity for ICU beds for COVID. Pero hindi po yan ang kalahatan,” aniya pa.

Binigay na halimbawa ni Vergeire ang mga siyudad ng San Juan at Makati City, na nagpapatulong sa ibang LGU kapag kinulang ng mga medical facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,