781

Dec 15, 2017 @ 16:56
By

Ilang senador nabuwisit sa pag-monologue ni Gordon sa Dengvaxia probe

Nainis ang mga senador sa inasal ni Senador Richard Gordon sa pagdinig ng Senado kahapon (Huwebes) ukol sa kontrobersiyal na dengue vaccine.

Sa pagdinig ng kanyang pinamumunuan na Senate Blue Ribbon Committee, halos hindi nakapagtanong ang mga senador kay dating Pangulong Benigno Aquino III at sa iba pang resource persons dahil halos solohin ni Gordon ang pagsasalita sa pagdinig.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, nahirapan siyang magtanong sa kaharap nilang bisita dahil nilimitahan ni Gordon ang kanilang pagsasalita at pagtatanong.

“Personally, I had a hard time asking questions because there was not enough latitude and flexibility. Despite that, I attended all the hearings and tried to be very patient and asserted my right to ask my own questions,” sabi ni Hontiveros.

Diin ng senadora, dapat namang pasalihin ni Gordon ang ibang senador sa pagdinig dahil hindi lang ito ang nag-iisang kasapi ng Blue Ribbon Committee.

“The Dengavaxia hearing could have been handled and managed in a more participatory and democratic manner in which senators could have been given enough time to ask our questions. After all, the Blue Ribbon Committe is a collegial body,” diin nito.

Kapwa naman nainis sina Hontiveros at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagpapahintulot ni Gordon na magsalita sa pagdinig ang abogado ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Atty. Ferdinand Topacio.

Sa pagdinig, inakusahan ni Topacio si Aquino at iba pang opisyal ng pandarambong at katiwalian bagaman aminadong wala itong hawak na katibayan.

Ayon kina Hontiveros at Drilon, hindi dapat pinagsalita si Topacio dahil hindi naman imbitadong resource person sa pagdinig at wala rin namang bitbit na ebidensya.

“I also thought it was improper to let a non-resource speaker speak before the hearing and let the individual cast aspersions against personalities and then ask the committee to look for evidence to support the unsubstantiated claims,” diin ni Hontiveros.

“I find it unfortunate that someone who’s not even a resource person was allowed to speak and made all the legal conclusions. That is unwanted,” diin naman ni Drilon.

Umaasa naman si Senador Kiko Pangilinan na bibigyan na sila ni Gordon ng pagkakataon na magsalita sa susunod na pagdinig. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?