160

Jul 25, 2018 @ 11:54
By

Ilang senador asiwa kay Speaker GMA – Sotto

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na hindi komportable ang maraming senador sa pagluklok kay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo bilang lider ng Kamara.

Hindi pa umano nalilimutan ng ilang senador ang nangyari noong 2004.

“Sa personality hindi sila komportable… Hindi madaling maghilom ‘yung sugat na nangyari nu’ng 2004,” sabi ni Sotto sa panayam ng Super Radyo DZBB.

Hindi pinangalanan ni Sotto ang mga senador na asiwa kay Arroyo.

Sa magkakahiwalay na panayam, sina Sen. Grace Poe, Sen. JV EJercito at Sen. Panfilo Lacson ang aminadong dismayado sa pagluluklok kay Arroyo bilang House Speaker.

Tiniyak naman ni Sotto na hindi nito maaapektuhan ang pagtatrabaho ng Senado kasama ng Kamara.

“We will do our job description no matter who is speaker, no matter who is congressman,” pahayag ni Sotto.

“Ang pinag-uusapan dito eh trabaho namin, trabaho na manggagaling sa House. Doon kami magku-concentrate at hindi sa personality,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?