104

Ilang sanggol natagpuan sa loob ng mga bote sa Japan

Sharing is caring!

Nadiskubre ng mga pamatay anay na nagtatrabaho sa isang ginagawang bahay sa Tokyo, Japan ang mga labi ng ilang sanggol na pinreserba sa mga bote, ang iba ay may umbilical cords pa, ayon sa Kyodo news agency nitong Lunes.

Sa ilalim ng sahig ng bahay na dating tinirhan ng isang obstetrician nakita ang tatlo o apat na bote, na inabandona na ng mahigit tatlong taon.

Pina-renovate ito ng nakabili ng bahay kaya’t nadiskubre ang mga patay na sanggol sa loob ng mga bote, dagdag pa ng Kyodo.

Prineserba ang mga katawan sa pamamagitan ng formalin sa loob ng bote, na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?