31

May 25, 2020 @ 15:02
By

Ilang residente sa Marikina mag iipon ng tubig

Tiyak na kanya-kanyang pagkukumahog sa pag-ipon ng tubig ang mga residente sa Marikina dahil magkakaroon ng water service interruption simula ngayong Lunes ng gabi.

Nagbigay ng abiso ang Manila Water sa ilang lugar sa nasabing lungsod na maaapektuhan upang makapaghanda ang mga ito.

Magsisimulang mawalan ng tubig ngayong alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ng Martes.

Mawawalan ng supply ng tubig ang mga lugar na Barangay Malanday, Kabayani Street, Reposo Street, Jurok V Street, Green Street, Indigo Street, Blk. 1 hanggang 4, Saint Lawrence Street, Blk. 5 hanggang 8, Pomelo Street, Jocson Street, Barangay Concepcion Uno, JP Rizal – Bagong Farmers Avenue hanggang G. Cruz Street, at D. Mariano Street

Ang interruption ay dahil sa gagawing line meter replacement activity sa kanto ng Reposo at Malaya Street.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?