26

Jun 27, 2020 @ 11:16
By

Ilang private school umatras sa tuition hike

Matapos umapela ang Department of Education, ilang private school ang nagdesisyon na magtapyas, o huwag nang magtaas ng tuition fee ngayong paparating na school year.

Sa pahayag sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na batid ng mga miyembro nila ang “financial difficulties” ng maraming pamilya dahil sa coronavirus disease pandemic.

Kaya naman marami anila sa kanilang miyembro ang nagbawas ng fees o kaya naman ay umatras muna sa tuition hike.

Siniguro naman ni Federation of Associations of Private Schools Administrators president Eleazardo Kasilag na walang tuition hike na magaganap ngayong school year.

Sa kabila nito, marami raw miyembro nila ang nangangamba na bumaba ang enrollment kaya ilan sa mga ito ang kinokonsiderang magsara muna hangga’t hindi bumabalik ang face-to-face classes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?