307

Dec 11, 2017 @ 17:05
By

Ilang police officials naapektuhan ng balasahan sa PNP

Nanumpa na ngayong araw ang mga bagong talagang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga key position sa Directorial Staff, National Support Units at Police Regional Offices.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Dionardo Carlos, ang balasahan sa liderato ng PNP ay kasunod ng pagreretiro nina Police Director Manuel Felix, hepe ng Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao at PNP Academy (PNPA) Director, Chief Supt. Randolf Delfin.

Si Police Chief Supt. Cedric Train ang papalit kay Felix bilang Acting Director for Integrated Police Operations in Western Mindanao habang si Si Police Chief Supt. Joseph Adnol ang papalit kay Delfin bilang direktor ng PNPA.

Si Police Chief Supt. Marcelo Morales naman ang uupo bilang Regional Director ng Police Regional Office 12; habang itinalagang bagong Director ng Maritime Group si Police Chief Supt. Rogelio Jocson.

Uupo naman bilang Director ng Information Technology Management Service si Police Chief Supt. Renato Angara at magiging Deputy Regional Director for Admin, Police Regional Office 2 si Police Senior Supt. Petronillo Baldebrin.

Balik anti-drug campaign bilang acting director ng PNP Drug Enforcement Group si dating Anti-Illegal Drugs Group Director Police Senior Supt. Albert Ignatius Ferro.

Nanguna si PNP OIC Deputy Director General Ramon Apolinario sa simpleng turnover ceremony sa Main Conference Room sa Camp Crame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?