49

Apr 15, 2021 @ 17:28
By

Ilang player, coach suspendido rin! Siquijor tanggal na sa VisMin Cup

Hindi na makatatapak sa Pilipinas VisMin Super Cup ang sinumang manlalaro, coach o opisyal na manggagaling sa Siquijor Mystics.

Ito’y matapos ianunsyo ni league COO Rocky Chan na sibak na sa kanilang liga ang Siquijor kasunod nang nangyaring kontrobersyal na laban kontra Lapu-Lapu City, na inimbestigahan sa posibleng pagbenta ng laro.

Saad ni Chan, bukod sa pagkatanggal ng koponan ay ban din sa VisMin Cup ang sinumang player o coach na manggagaling sa Mystics.

Hindi pa doon natapos ang parusa dahil sinuspende rin ang ilang player ng Lapu-Lapu City tulad nina Jojo Tangkay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Ferdinand Lusdoc at Dawn Ochea, multa ang mga ito ng P15,000 at bawal maglaro sa first round ng torneo.

Habang ang manlalaro namang si Rendell Senining, na gumamit ng magkaibang kamay para hindi mapasok ang free throw, ay suspendido sa kabuuan ng season at magmumulta rin.

Ang head coach naman ng Lapu-Lapu na si Francis Auquico ay may P30,000 fine at suspendido ng para sa first round; P20,000 naman ang multa sa iba pang parte ng coaching staff.

Bumuo rin ng bagong memorandum ang VisMin Cup kung saan pagbabayarin ng P1 million at sisibakin ang sinumang koponan na sadyang magpapatalo sa kanilang mga laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?