6

By

Ilang Pinoy sa Panama, ligtas sa hagupit ng Hurricane ‘Michael’

Sharing is caring!

Agad na nakalikas ang ilang Pinoy mula sa kanilang tinitirhan sa Panama City matapos tumama ang Hurricane Michael sa ilang bahagi ng Florida sa Estados Unidos.

Tiniyak naman kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA), na nasa mabuting kalagayan ang nasa 3,000 Pinoy na nakabase sa naturang lugar.

Kinumpirma ito sa report sa DFA ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.

Nabatid na may ibang Pinoy ang nagsilikas mula sa kanilang mga bahay para na rin sa kanilang seguridad.

Napag-alaman na nasa 232,000 Pinoy ang naninirahan sa Florida, Alabama, Georgia, North at South Carolina ang pinayuhang mag-ingat at maging alerto para na rin sa kanilang kaligtasan.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring para maalalayan ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?