19

Oct 1, 2020 @ 12:22
By

Ilang Pinoy 2 araw mawawalan ng tubig

Simula mamayang gabi hanggang bukas ng umaga, makararanas ng water interruption ang ilang kostumer ng Maynilad at Manila Water.

Dahil sa isang leak repair ay pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig Manila Water ang ilang parte ng Barangay Addition Hills, Malamig, Mauway, at Plainview sa Mandaluyong City.

Epektibo ito mula alas-diyes ng gabi, Oktubre 1, hanggang alas-sais ng umaga, Oktubre 2.

Samantala, dahil naman sa interconnection activity sa CAA Road kaya may Maynilad water interruption sa Barangay CAA, Manuyo Dos, Pulang Lupa, at Talon Uno sa Las Piñas.

Ito’y mangyayari mula alas-nuwebe ng gabi, Oktubre 1, hanggang alas-siyete ng umaga, Oktubre 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?