27

Aug 19, 2020 @ 14:00
By

Ilang PhilHealth official pinatawan ng preventive suspension

Pinatawan ng Ombudsman ng 6-month preventive suspension ang 13 dati at kasalukuyang senior officers ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), sa gitna ng mga imbestigasyon ng mga politiko ukol sa umano’y katiwalian sa ahensiya.

Ang mga opisyal ay sinampahan ng mga reklamong “grave misconduct, oppression and conduct prejudicial to the best interest of the service”.

Ito ay ang mga sumusunod:

– Clementine Bautista, Vice President, Quality Assurance Group
– Rodolfo del Rosario, Jr., Senior Vice President
– Shirley Domingo, Vice President, Corporate Affairs Group
– Dennis Mas, Senior Vice President, Management Services Sector
– Leila Tuazon, Acting Senior Manager Operations, Audit Department
– Raul Dominic Badilla
– Ruben Basa
– Celestina Ma. Jude dela Serna
– Eugenio Donatos II
– Roy Ferrer
– Angelito Grande
– Lawrence Mijares
– Israel Pargas

Samantala, inutos na ng Ombudsman na mabigyan ng kopya ng suspension order si PhilHealth President Ricardo Morales at si Health Secretary Francisco Duque III para maipatupad na ang suspensiyon.

Sabi ng PhilHealth, sa Twitter kaninang umaga, hindi pa aware ang mga apektadong opisyal sa mga sinampang kaso laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?