126

Sep 11, 2021 @ 18:34
By

Ilang Pasigueno solido kay Isko

Inilunsad ngayong Sabado ang isang grupo sa Pasig City para himukin si Manila Mayor Isko Moreno na tumakbo bilang pangulo sa 2022.

Ang grupo, na pinangalanang ISKOPasig, ay naniniwalang si Moreno ang pinaka-kwalipikado na maging pangulo sa ngayon.

Ilan sa mga nanguna sa pagbuo ng grupo ang Ikaw Muna Pilipinas (IM Pilipinas), Alyansa ng Pagkakaisa sa Pasig (ALPPA) at iba pang lider ng komunidad sa siyudad.

“ISKOPasig, like IM Pilipinas, is deeply praying that Mayor Isko Moreno will run for president in the fast-approaching presidential elections, with the firm belief that he is the best option of the Filipino people from among the list of presidentiables,” pahayag ng secretary general ng IM Pilipinas na si Elmer Argaño.

Sa kanilang launching ay nagdaos sila ng jogging at exercise at nagpakain pa sa mga tricycle driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?